Boy Abunda, Nagbabalik Kapuso Na!

Huwebes, Disyembre 15, 2022

/ by Lovely


Nagbalik na bilang Kapuso ang sikat na TV host na si Boy Abunda.

Ayon sa mga ulat, pumirma na ng kontrata si Boy Abunda sa GMA7 nitong December 15, 2022 sa Quezon City.

“I will commit to working hard, to doing the best I can to be able to deliver the best entertainment/shows that I am going to do with GMA-7.” pahayag ni Boy Abunda.

Sa official account naman ng GMA Network, ibinahagi nila ang balitang pagbabalik ng King of Talk.

“Nagbabalik na ang King of Talk sa GMA! Welcome home, Kapuso!” caption sa kanilang post.

Present sa nasabing contract signing Ms. Lilybeth G. Rasonable, ang Sr. Vice President, at Ms. Janine Piad-Nacar, Vice President ng GMA Network's Entertainment group.

Unang sumikat si Boy Abunda sa GMA Network sa kanyang show na 'Show and Tell' noong 1994. Nagapasyang lumipat sa ABS-CBN si Boy Abunda noong 1999.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo