Boy Abunda Takot Mag-guest Sa Family Feud Baka Lumabas ang Pagiging Tanga!

Martes, Disyembre 27, 2022

/ by Lovely


Inamin ng tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda na kinakabahan siyang sumali at mag-guest sa Gameshow na Family Feud hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Matatandaang, nagbalik na sa GMA7 si Boy Abunda at pumirma na ng kontrata. Samantala, sa isang recorded video nagbigay ng mensahe si Dingdong Dantes para kay Boy Abunda bilang pang welcome nito sa talent manager at award winning host.

“Welcome back Tito Boy, nakakatuwa po na magkasama na tayo ulit sa iisang tahanan and I’m looking forward to see you hopefully as a guest in your future GMA projects at pwede ring you as a guest here in Family Feud,” pahayag ni Dingdong Dantes.

Tila sinagot naman ni Tito ang paanyaya ni Dingdong Dantes at sinabing huwag na muna siyang i-line up para sa family feud dahil kinakabahan siyang lumabas ang kanyang pagka-tanga.

“When we were talking about…ah, the promo, pwede ba ‘yung Family Feud ‘wag na muna? Ha-hahaha! Baka kasi lumabas ‘yung pagkatanga ko, e!" pahayag ni Tito Boy.

"Kasi depende, ‘di ba, kung ano ang sinu-survey. Kapag tinanong mo ako, halimbawa, mga anime, ano ba naman ang alam ko du’n? Kapag tinanong mo ako ng Mobile Legends, ano ba naman ang alam ko. At saka ‘yung mga delikado ‘yung, ‘anong bahagi ng katawan ang nagsisimula sa letrang T?’ Wala akong preno, sasabihin ko pero ‘yung sagot naman, ‘di ba, t*t* din?," pagpapaliwanag pa nito.

Sa huli ay nakiusap na lamang siya na sana ay ipanghuli na lamang siya sa line up ng Family Feud. 

“Pwedeng ihuli n’yo muna ‘yon o kung pwede, wala na lang muna? Ha-hahaha! Nakakataranta ‘yon!” pakiusap ni Tito Boy.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo