Brenda Mage, Nanakawan Ng Mga Hindi Pa Bayad Na Mga Alahas!

Lunes, Disyembre 19, 2022

/ by Lovely


Labis na pagkadismaya at lungkot ang nararamdaman ng komedyante at onlin personality na si Brenda Mage matapos mapag-alaman na ninakaw ang kanyang mga alahas.

Ayon sa Facebook live ni Brenda, nalaman niyang wala na sa kanyang jewelry box amg alahas ng tingnan niya ito dahil nagbabalak siyang magsanla upang ipansahod sa kanyang mga trabahante.

Hindi umano alam ni Brenda kung sino ang maaring kumuha ng mga iyon dahil may tiwala siya sa mga kasamahan niya sa bahay.

Ang mas nakakalungkot pa, hindi pa niya fully paid ang ilan sa mga alahas at binabalak pa niyang ibalik sa kanyang mga pinagkukunan.

“Kasalanan ba ng tao na nagtiwala o kasalanan ng taong sumira ng tiwala?” malungkot na pahayag ni Brenda.

Ayon pa kay Brenda, ito ang unang pagkakataon na nanakawan siya dahil hindi naman umano siya nanakawan noon sa Maynila.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo