Naging mainit na usap-usapan ng mga netizens ang pangrerealtalk ni Bryan Boy, isang international Filipino Fashion blogger, sa isang inang nanghihingi sa kanya ng tulong para pang-gatas at pang-diaper ng kanyang baby.
Ayon kay Bryan Boy sa kanyang ibinahaging Facebook video nitong Lunes, nais sana niyang tulungan ang ginang subalit hindi naman siya ang gumawa ng baby kaya bakit siya umano ang magpo-provide ng mga basic needs nito?
"Gusto sana kitang tulungan, pero hindi ako gumawa ng baby na ‘yan. Kung basic needs na nga lang ng anak mo, hindi mo ma-provide, anong gagawin mo kapag lumaki na ‘yang bata na ‘yan?” diretsahang pahayag ni Bryan.
Pagpapayo pa niya sa lahat, “’Yun na nga eh, kung wala talaga kayong pera, ‘wag na kayong gumawa ng bata. And, wag na kayo magdagdag ng chanak sa mundo.”
Agad namang umani ng samu't-saring komento at pambabatikos ang nasabing pahayag ng online personality. Subalit sa kabila nito hindi pa rin umano babawiin ni Bryan ang kanyang naunang pahayag hinggil sa pagdadala ng bata sa mundo na hindi kayang i-provide ng mga magulang.
Sa kanyang latest Tiktok video muling ipinaliwanag ni Bryan ang kanyang nagdaang pahayag.
“Yung sa akin lang talaga, I will not gonna back down for what I have said. Hindi ko ho babawiin ‘yan. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit naging isyu ‘yan. I’m sure yung mga magulang diyan, alam naman nila siguro kung gaano kahirap magkaroon ng anak, ‘di ba? Ang daming gastusin… ako nga wala akong anak pero alam ko kung gaano kamahal magkaroon ng anak.” saad ni Bryan.
Sa huli tinanong pa ni Bryan ang kanyang mga followers kung mali ba ang kanyang pahayag hinggil sa mga gastusin sa pagkakaroon ng anak.
@bryanboy Everyone deserves a good life lalo na ang mga anak
♬ original sound - Bryanboy
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!