Bunsong Anak Ni Andrew Schimmer Nag-birthday sa Lamay ng Ina!

Huwebes, Disyembre 22, 2022

/ by Lovely


Sa Facebook page na The Schimmers, ibinahagi nila ang pabi-birthday ng bunsong anak ni Andrew Schimmer na si Xander sa lamay ng kanyang ina na si Jho Rovero.

Labis na nakaantig sa damdamin ng mga netizens ang ibinahaging video ng The Schimmer kung saan makikita ang pag-blow ng cake ni Xander sa harap ng kabaong ng ina at ang pagkausap nito rito.

Buong akala umano ni Xander na gagaling pa at makakauwi pa sa kanilang tahanan ang kanyang ina. Ipinahayag din ng bata ang labis na pagmamahal at pagkamiss sa ina.

"I want to see Mommy again...

"I love you and I miss you... 

"I always wanted to spend more time with you Mommy...

"Mommy... It's my Birthday today...

 "Someday we will see each other again..." ilan sa mga katagang nasambit ni Xander.

Matatandaan na naging bukas sa mga netizens ang kalagayan ni Jho Rovero dahil sa paghingi ni Andrew ng tulong para sa panggastus sa hospital ng kanyang asawa.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo