Burol ni Jovit Baldivino sa Batangas Bukas sa Publiko!

Linggo, Disyembre 11, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi ng ama ni Jovit Baldivino na bukas sa publiko ang burol ng yumaong singer.

Ayon sa pahayag ni Hilario Baldivino sa isang panayam noong Byernes, mananatiling bukas sa publiko ang burol nito. Maaring makapunta ang mga tagahanga at kaibigan ng aktor upang makita ang singer sa huling pagkakataon sa kanilang tahanan sa Brgy. Marilag Rosario, Batangas.

Sa unang araw ng burol ng Pilinas Got Talent season 1 grand winner, makikitang puno ng tao ang bahay at maging ang garden nila. Nagpapahiwatig lamang na  marami ang nakikiramay sa biglaang pagpanaw nito.

Samantala, muling nilinaw ng partner ni Jovit Baldivino na hindi nag-collapse ang singer habang nag-peperform bagkus ay natapos muna niya ang tatlong kanta bago isugod sa hospital.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo