Tila hindi pa rin matanggap ng ka-live in partner ni Jovit Baldivino na si Camille Ann Miguel ang biglaang pagpanaw ng singer.
Matatandaang nauna na nilang ibinahagi na under maintenance for hypertension si Jovit kaya hindi nila lubus maisip na hahantong ito sa ganitong pangyayari. Binalaan naman umano ng doktor si Jovit, na huwag muna itong kakanta.
Subalit, naimbetahan sa isang christmas party si Jovit at hindi nito na tanggihan ang request na kantahan ang mga tao. Matapos ang tatlong awit ay nagsimula nang nag-iba ang pakiramdam ni Jovit at isinugod sa hospital.
Samantala, bukas naman sa publiko ang kinakasama ni Jovit kung gaano siyang nahirapan at nasasaktan sa biglaang pagpanaw ng kanyang minamahal.
Sa kanyang Facebook post, ibinahagi niya ang isang art card kung saan mababasa ang, "Bukas, gugulatin ka ni Lord dahil yung pinagpe-pray mo ibibigay sayo doble."
Sa caption ipinahayag ni Camille ang paghihinagpis, "Pano? Eh binawi mo na nga agad saken?"
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!