Camille Ann Miguel Natatakot Bukas, Ililibing Na si Jovit Baldivino!

Martes, Disyembre 13, 2022

/ by Lovely


 Tila hindi pa rin natatanggap hanggang ngayon ng fiancee ni Jovit Baldivino na kailangan na nilang mamaalam ng tuluyan sa singer.

Bukas, December 14, nakatakda nang ilibing ang mga labi ni Jovit Baldivino, kaya naman labis itong kinakatakutan ni Camille na hindi pa rin natatanggap ang biglaang pagpanaw ng minamahal.

Sa kanyang Facebook post, muling ipinahayag ni Camille ang labis na paghihinagpis sa pagkawala ni Jovit. Ayon sa kanya, tila hindi na niya alam kung paano pang haharapin ang pasko at bagong taon na hindi na niya ito makakasama.

Ipinangako din niya sa namayapa na kahit anong mangyari ay hindi niya pababayaan ang pamilya nito.

Ililibing si Jovit Baldivino bukas, December 14, 2022 sa Paradise View Memorial Garden.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo