Carla Abellana Ibinahagi Ang Kanyang Bagong Hobby!

Miyerkules, Disyembre 14, 2022

/ by Lovely


 Maraming mga netizens ngayon ang nakakapansin sa malaking pagbabago ni Carla Abellana.

Sa sunod-sunod na pagbabahagi ng actress na si Carla Abellana, ng kanyang mga daring photos, iniisip ng ilan na handa nang i-level up ng actress ang kanyang genre.

Ang iba nama'y sinasabi na ginagawa ito ni Carla bilang pagrerebelde sa pinagdaanang failed marriage nito kay Tom Rodriguez.

Samantala, tila may bagong kinahuhumalingang hobby si Carla Abellana ngayon na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.

Makikita sa Instagram page nito ang paggawa niya ng DIY candles.

"Made by yours truly," caption ni Carla sa kanyang post kung saan makikita ang kanyang mga ginawang kandila.

Matatandaang noong lumaganap ang pandemya ay naging hobby ni Carla Abellana ang paggawa ng mga sabon. Bagama't hindi siya nagbebenta, ibinibigay naman niya ito sa mga kaibigan bilang souvenir.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo