Carla Abellana Sang-ayon sa Pahayag Na Hindi Kailangang Magpatawad!

Miyerkules, Disyembre 21, 2022

/ by Lovely


Agad na nagbigay ng reaction si Carla Abellana sa ibinahaging Tiktok video ni Barbie Forteza sa kanyang Instagram account.

Sa nasabing video dina-dub ni Barbie ang pahayag ni Taylor Swift tungkol sa pagmomove-on.

“You don’t have to forgive and you don’t have to forget to move on. You can move on without any of those things happening. You are just becoming different, and then you move on. If something’s toxic, and it’s only ever really been that. What do you gonna do? Just move on. It’s fine!” pag-aarte ni Barbie na tila ba ay siya mismo ang nagbibigay ng pahayag.

Marami naman ang sumang-ayon sa naging pahayag ni Taylor Swift/Barbie Forteza.

Kapansin-pansin din ang pagrereact ng Kapuso actress na si Carla Abellana sa naging Tiktok video ni Barbie. Ayon sa kanya, dapat pang lakasan nina Taylor at Barbie ang mga ganitong pahayag.

“Louder, Taylor Swift and Barbie! 👏🏻” sey ni Carla sa kaniyang komento.

Tila isa itong cryptic message sa kanyang kinakaharap sa gitna ng controversial break up nila ng dating asawa na si Tom Rodriguez.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo