Tanong ngayon ng mga netizens kung may relasyon na nga ba sina Carlo Aquino at Charlie Dizon.
Napansin kasi ng ilang mga netizens ang closeness ng dalawa sa mga larawang ibinahagi mismo ni Charlie Dizon sa kanyang social media account.
Kasama naman nila sa ilang mga snaps ang ilang mga malalapit na kaibigan kasama na ang Kapamilya actress na si Belle Mariano.
"Holiday dinner. What a fun night. So nice to see my sisters from another mother," caption ni Charlie sa kanyang Instagram post.
Kapansin-pansin sa isang larawan, na makikitang magkatabi sina Carlo Aquino at Charlie Dizon naka-dekuwatro pa si Charlie at nakahawak naman sa kanyang mga hita si Carlo. Tila nakakapit din si Charlie sa mga braso ng aktor.
Agad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa ilang mga netizens. May nagpayo pang tropahin lamang umano ni Charlie si Carlo at huwag itong jowain.
Magkatambal sina Charlie at Carlo sa pelikula ng ABS-CBN Films na “Love on a Budget” na ipapalabas na sa 2023.
Matatandaang ilang buwan na ang nakalipas nang kumpirmahin ni Carlo Aquino na naghiwalay na sila ng kanyang partner na si Trina Candaza. May anak din silang babae na nasa dalawang taong gulang.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!