Carmi Martin, Sinabing Biktima Si Roderick Paulate Sa Kasong Kinasasangkutan!

Biyernes, Disyembre 16, 2022

/ by Lovely


Labis na nag-aalala ang seasoned actress na si  Carmi Martin sa kinakaharap na kaso ng kaibigan niyang si Roderick Paulate.

Matatandaang kamakailan lamang ay nahatulan ng “guilty” ang award-winning veteran comedian ng Sandiganbayan para sa mga kasong graft at falsification of public documents.

Ang nasabing kaso ay may kaugnayan noong nanunungkulan pa siya bilang konsehal ng Quezon City dahil sa umano’y pagkuha niya ng 30 ghost employees mula July hanggang November, 2010. Tumatanggap din ang mga ito ng sahod at incintives.

Aabot sa 62 years na pagkakabilanggo ang maaring sentensya ni Roderick Paulate.

Samantala sa naganap na media conference para sa pelikulang 'My Teacher' naitanong sa aktres kung ano ang reaksyon niya hinggil sa kinakaharap na kaso ng dating kasamahan niya sa show at kaibigan niya.

“I told him, ‘Dick, alam ko naba-bother ka dito. I pray na malampasan mo ito. Pinagpe-pray kita.’ Kasi, pareho na kaming may maintenance. Kaedad ko yan, magsi-sixty na rin iyan. So, alam ko kung paano naba-bother yan. And I feel that na-victimize siya. Na alam mo yun, sabi ko, ‘Ang dami nga diyang big fish, bakit hindi nahuhuli?!’” pahayag ni Carmi.

Sina Carmi at Roderick ay nagkasama sa isang show sa ABS-CBN na 'Tonight with Dick at Carmi' at 'Abangan sa Susunod na Kabanata'.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo