Chito Miranda, Naranasan Ang Worst Nightmare Ng Isang Vocalist!

Biyernes, Disyembre 23, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi ng vocalist ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda na naranasan na niya ang worst nightmare ng sinumang vocalist.

Matapos ang sunud-sunod na gig ng kanilang banda nitong buwan ng Disyembre, inakala ni Chito na ang kanilang gig nitong December 19 show na ang huli para sa taon at nakansela ang kanilang gig noong December 21.

Kaya naman nagdesisyon si Chito na mag-schedule ng vacation trip para sa kanilang buong pamilya sa Pico De Loro, Batangas mula December 20-21.

Subalit, bigla na lamang nalaman ni Chito na tuloy parin ang gig sa Disyembre 21. Gayunpaman, pumunta pa rin si Chito sa Pico de Loro kasama ang kanyang mga anak at pumunta na lamang sa EDSA Shangri-La noong Disyembre 21 para mag-perform.

Sa kasamaang palad, nawalan ng boses si Chito Miranda dahil sa pagliligo nila ng kanyang mga anak sa dagat habang umuulan.

Sa kabila nito, labis na nagpapasalamat si Chito sa kanilang mga tagahanga dahil tila hindi pinapansin ng mga ito ang kanyang namamaos na boses.

“Huling hirit. Last gig ng 2022. Tonight's gig was definitely my worst for this year...but also one of the best for Parokya." pahayag ni Chito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo