Sa darating na 2023, mag-iisang dekada na si Christian Bautista sa GMA7 network.
Lumipat sa GMA7 si Christian Bautista noong 2013. Unang sumikat si Christian Bautista sa Kapamilya Channel. Nagsimula siya sa pagiging contestan ng reality talent search na Star in A Million at naging runner up sa huli.
Wala naman umano siyang pinagsisisihan at inirereklamo sa kinabibilangang network. Maging sa renewal ng kontrata ay naging emosyunal pa si Christian.
“Ewan ko ba. Pag tumatanda, nagiging emotional!” pahayag ni Christian.
“Parang here’s a network who decides to renew you; to give you a contract; to give you work; who sees your value; who sees what you can deliver; and what you can contribute to the station." pagpapaliwanag pa ni Christian.
Ipinagdidiinan pa ni Christian na hindi lahat ay nakakakuha ng ganoon. Ibinahagi pa ni Christian na matapos ang kanilang virtual contract signing ay binati pa siya ng mga GMA executives sa pamamagitang ng text messages para batiin.
“So it was really nice to hear, to feel that you’re wanted, to feel that people still want to work with you. It’s nice. It’s a very nice feeling, especially during a pandemic, di ba? So that was really a nice moment,” saad ni Christian.
Sa ngayon ay excited si Christian Bautista sa pagdiriwang ng kanyang ika-20 taon sa pagtatrabaho sa industriya.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!