Ciara Sotto Nakipag-bonding Kay KC Concepcion, Tito Sen at Helen Gamboa. Halatang Na Miss Si KC!

Martes, Disyembre 27, 2022

/ by Sparkle

 


Nagkabati na sina KC Concepcion at ang kaniyang mga lolo't lola na sina Tito Sen at Helen Gamboa. 

Matatandaang nagkaroon ng hidwaan ang pamilya nina KC Concepcion, Megastar Sharon Cuneta, Kiko Pangilinan at ang pamilya Sotto kung saan buo talaga ang pagmamahalan ng kanilang pamilya. Dahil sa pulitiko nagkaroon ito ng bahid.

Pero pagkatapos noon ay naging maayos naman at mukhang bumabawi na si KC sa kanyang lolo't lola at tita.

Makikita sa kani-kanilang Instagrams ang mga posted photos nina Tito Sen at KC Concepcion. Ibinahagi ni KC ang kanyang pagbisita noong holiday season sa kanyang lolo't lola na sina Helen Gamboa at Tito Sen.

Nilagyan pa ng caption ni Tito Sen, he said talking about my girls. Nandoon ang tatlong anak ni Tito Sen at siyempre si KC Concepcion. Siguradong proud na proud si KC Concepcion sa sinabi ng kanyang Lolo Tito Sen dahil isa rin siya sa mga tinuturing na "my girls" ng dating senador.


Masayang-masaya ang pamilya Sotto sa pagbisita ni KC Concepcion. Kamakailan, ibinahagi rin ni Megastar Sharon Cuneta ang bonding ng kanyang mga anak sa kaarawan ni Kakie. Ipinakita rin ni KC Concepcion ang kanyang pagbati sa kanyang nakababatang kapatid.

Nag-Noche Buena si KC Concepcion sa kanilang tahanan kung saan nagbahagi rin si KC ng larawan ng kanilang pamilya. 


Maraming tao ang natuwa dahil maayos ang lahat. Sabi nila pagkatapos ng gabi ay may liwanag.

Pagkatapos ng ulan ay titila din ito. Ibig sabihin lahat ng problema ay may hangganan, may katapusan at talagang may solusyon.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo