Cristy Fermin Dinipensahan ang Fiancee ni Jovit Baldivino na Binabash sa Social Media!

Lunes, Disyembre 12, 2022

/ by Lovely


Naging mainit sa mga mata ng ilang netizens ang ibinabahaging post ng naulilang fiancee ni Jovit Baldivino na si Camille Ann Miguel. Kung saan sa labis niyang paghihinagpis ay napapamura ito sa ilan sa kanyang mga post.

May mga ilang netizens na hindi ito nagugustuhan at kasalukuyang binabash ito. Kaya naman nagbigay ng pahayag si Manay Cristy Fermin at tila dinepensahan si Camille.

Sa latest episode ng Cristy Ferminute, ipinahayag ni Manay Cristy ang kanyang opinyon hinggil sa kumakalat na post ni Camille at ang pambabash ng ilang netizens.

“'Yung mga bashers wala talagang pinipiling lugar at panahon. Akalain niyo po, namatayan na nga po ang pamilya ni Jovit. Kapagka nakakabasa sila katulad ng mga pino-post ni Camille Ann Miguel, ang kanyang karelasyon, kasi nga, kung mag-post kasi si Camille Ann real talk diba?” pahayag ni Manay Cristy.

Naiintindihan umano ni Manay ang pinanghuhugutan ni Camille dahil nawalan ito ng minamahal.

"At saka tayo man ang lumagay sa kanya, sa sapatos niya, 'yung mga pangako, 'yung mga planong hindi natuloy na umaasa ka balang-araw magiging ganap ang mga plano. Pero ito, nawala ang mga plano,” dagdag pa ng co-host na si Romel Chika.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo