Cristy Fermin, Kinilabutan sa Nakita ni Mamu sa mga Baraha ni Kris Aquino!

Biyernes, Disyembre 30, 2022

/ by Lovely


Isa sa mga naging laman ng usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ang umano'y nakita ni Mamu Gloria Escoto sa tarut card ni Kris Aquino.

Ayon kay Cristy Fermin, isa umanong prophetic witch o manghuhula si Mamu na nakapanayam ni Romel sa kanyang vlog kamakailan. Isa sa kanilang pinahulaan ay ang kapalaran ni Kris Aquino.

"Marahas po ang sinabi niya kay Romel na si Kris Aquino po ay..." pabitin na pahayag ni Cristy.

"Mamaaalam... Hindi next year kundi magpapaalam siya sa kanyang karamdaman," pagtutuloy naman ni Romel.

"Mamamaalam dahil siya ay gagaling o mawawala siya sa mundo?" tanong muli ni Cristy.

"Mawawala siya sa mundo," sagot ni Romel.

Matatandaang ipinahayag ni Mamu kay Romel Chika na hindi okay si Kris Aquino. Nilalabanan umano nito depresyon at ang kanyang karamdaman. Subalit ano man ang gagawin ni Kris ay wala na talaga.

"Health. 'Yun ang possible na ikawala niya. Kung ano man yung pinagdadaanan niya ngayon, yun ang posibleng ikamatay niya," pahayag ni Mamu Gloria.

Ipinahayag naman ni Cristy Fermin na talagang kinilabutan siya sa mga pinagsasabi ni Mamu. Subalit ipinahayag niya na tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam sa kapalaran ng isang tao.

"Alam mo, kinikilabutan ako. Unang-una, naiintindihan ko kasi ang propesyon ng mga manghuhula. Gift kung tawagin nila 'yung nakapagbabasa sila ng kapalaran ng kapwa nila. Pero ako kasi ang pinaninindigan ko at pinaniniwalaan ko, walang maaring makaalam kung kailan tayo magpapaalam," pahayag ni Cristy.

"Nirerespeto ko si Mamu, pero mas nirerespeto ko ang kapangyarihan ng Diyos. Diyos lang ang nakakaalam kung kailan niya babawiin ang ating buhay," paglilinaw pa niya.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo