Cristy Fermin Nainis Sa Pahayag Ni AJ Raval Na Mga Sir@ul0 Ang Mga Nagsasabing Nanganak Siya!

Martes, Disyembre 6, 2022

/ by Lovely


Sa episode ng Cristy Ferminute nitong Lunes December 5, 2022 muling tinalakay nila ang isyung kinakaharap ngayon ni AJ Raval, ang pasekretong panganganak nito.

Sa nasabing episode pinag-usapan nila ang naging tugon ni AJ Raval sa tanong ni Senyora kung totoo ba ang tsismis. Matatandaang nauna nang sinabi ni AJ  na mga sir@ul0 ang nagpapakalat ng ganoong isyu.

“Eto na ang lola mo. Ang lola AJ Raval natin. Ang sabi niya, 'yun daw mga nagkakalat ng kwento na siya po ay nanganak, 'Mga sira ang ulo niyan e. Nananahimik ako,' sabi niya,” pagsasalaysay ni Manay Cristy.

Ipinunto naman ni Manay Cristy na wala naman silang mga mental health issue ni Ogie Diaz na isa rin sa mga nagsasabing nanganak na si AJ Raval.

“Alam mo sa sukatan ng kanyang sinabi, ako, si Ogie Diaz at ang iba pa na makapagpapatunay na nanganak siya, ayos naman ang aming mental health. Maayos kami. Hindi namin kailangan makipagkita sa doktor lalo na sa isang psychologist at psychiatrist.” pagdidiin ni Manay Cristy Fermin.

Dagdag pa niya, “Wala kaming pinoproblema. Ang mga tao na kailangan talaga na pumunta sa kanyang doktor ay dahil sa may anxiety attack, may depression, mga tao na hindi marunong humarap sa katotohanan, 'yan 'yung mga tao na dapat na makipagkita sa psychiatrist.”


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo