Cristy Fermin Nakukulangan sa Pakikisawsaw ni Kat Alano!

Huwebes, Disyembre 8, 2022

/ by Lovely


Nagbigay ng opinyon ang beteranang showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin hinggil sa mga cryptic post na ibinabahagi ni Kat Alano sa social media. Kung saan mahihinuhang pinapatamaan nito ang aktor host na si Vhong Navarro.

Subalit, kailanman ay hindi pa tahasang binanggit ni Kat ang buong pangalan ng aktor na siya namang ikinainis ni Manay Cristy Fermin.

“Aling Kat, mula ba nu'ng nakisawsaw ka rito, pinangalanan mo kung sino 'yung sinasabi mong lumapastangan sa'yo?” pahayag ni Manay Cristy Fermin.

Ipinunto din ni Manay Cristy na ngayong nakikisawsaw na si Kat dapat ay pangalanan na niya hindi yung, sa tuwing may bagong lumalabas na update hinggil kay Vhong Navarro ay naglalabas ito  ng  mga cryptic post.

“Ngayon na nakalaya pansamantala si Vhong Navarro, eto ka na naman. 'I'm so sad, I'm crying. There's no justice in the Philippines. Bahala na kayo. Ayaw ko na.' Sumawsaw ka na hindi pa kumpleto. Kumbaga sa ginisa, wala kang bawang. Hindi mo naman pinapangalanan si Vhong Navarro mula't mula. Oh ba't ngayon eto ka na naman?”

“Nakakaloka. Nakakaloka siya. Sabi ka nang sabi na may hustisya nang makulong si Vhong Navarro. Ngayon na bigyan na ng liberty kahit pansamantala lamang, bigla kang nalungkot, nag-iiiyak ka, wala nang hustisya sa Pilipinas, bahala na raw ang bansang ito sa mga ganyang klase ng tao,” dagdag pa ni Manay Cristy.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo