Darryl Yap may inimbitahan ang Thailand internet sensation transgender na si Sitangsu Buathong o mas kilalang “Mother Sitang” na mag-extra sa kaniyang upcoming film.
“Hi Mother Sitang, I am a problematic director from the Philippines, may I invite you to have a cameo for my upcoming film that will be shot 2nd quarter 2023?” Facebook post ni Derik Darryl Yap nitong Huwebes, December 8.
Pinagdadala din niya ito ng pink outfits at sinabing napaka-importante ng role na gagampanan.
Hindi naman sinabi ng controversial director kung ano ang papel na gagampanan nito sa kanyang upcoming movie.
Subalit, tila alam na alam na ng mga supporters ni Direk Darryl kung ano ang magiging papel nito. Ayon sa kanila napaka perfect ni Mother Sitang sa role na gagampanan nito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!