Umalma ang direktor ng Maid in Malacanang na si Direk Darryl Yap sa mga naririnig na pambabatikos na umano'y flop ang pelikula na pinagbibidahan ni Toni Gonzaga at Joey De Leon.
Ang pelikulang My Teacher ang entry ng mister ni Toni Gonzaga na si Paul Soriano sa Metro Manila Film Festival 2022. Kasama ni Toni sa naturang pelikula sina Joey de Leon at tambalan nina Loisa Andalio at Ronie Alonte.
Matatandaang ilang araw nang usap-usapan ang pagiging flop ng pelikulang My Teacher. May mga nagsasabi pang hindi gumana ang pagka most powerful celebrity ni Toni Gonzaga na naunang pinahayag ng asawa nitong si Paul Soriano.
Kaya naman, hindi na nanahimik pa si Direk Darryl Yap may maanghang at matapang siyang patutsada sa mga nagsasabing flop ang My Teacher dahil hindi manlang umano ito makapasok sa top 4 movies sa tumatabo sa takilya mula nang mag-showing ito noong Araw ng Kapaskuhan.
"kung makapagsabi naman na “flop” ang MY TEACHER, parang di naman sila kumain ng ininit na tae nung pinanood nila yung…kung anuman ang title nung yuckie na double flop, kayu-kayong mga langaw lang yan. ge, maglokohan tayo" maanghang na pahayag ni Direk Darryl Yap.
Umalma man siya at ipakita ang baho ng bunganga niya, flop ang pelikula nung mist powerful ayon sa asawa niya. Bastos na nagpipilit ba direktor daw siya. Pwe!
TumugonBurahinbasra 🟥🪰 mabaho ang bibig like u acclang pdf🤨
TumugonBurahin