Dennis Padilla Nagreklamo sa Bill ng Pinagkainang Restaurant!

Martes, Disyembre 20, 2022

/ by Lovely


Hindi napigilan ng aktor na si Dennis Padilla ang madismaya matapos makapagbayad ng napakalaking bill sa isang seafood restaurant na pinagkainan.

Nitong December 17, ibinahagi ni Dennis Padilla ang pagkadismaya karanasan habang kumakain sila ng isang OFW friend sa isang restaurant.

Ayon kay Dennis, ang isang order ng mango shake ay nagkakahalagang 450 pesos habang ang isang order ng lobster ay umaabot sa 5500 pesos.

Ipinahayag ni Dennis sa nasabing video na sobra kung ang binayaran nila. Hindi naman siya magrereklamo kung hindi dahil sanay naman umano siyang magbayad ng mahal.

"Kumain kami rito kasama yung balikbayan friend ko, dito sa lugar na 'to, Aling Mahrya's. Dito yan sa Seaside. Alam niyo ho ba kung magkano ang isang mango shake? 450. Alam niyo kung magkano ang per kilo ng lobster? 5,500. Kaya nakaka-frustrate, nakakalungkot. Kapwa Pilipino, ganun ang ginagawa nila," pahayag ni Dennis sa kanyang Instagram video.

"Ito po yung resibo namin, umabot po ng 38,000. Ako nahihiya ako. Hindi naman ako yung nagbayad eh, yung best friend ko po yung nagbayad, ako po nasaktan kasi balikbayan," dagdag pa ni Dennis sabay pakita sa resibo ng binayaran nila.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo