Dennis Padilla Nakipag-away sa Empleyado ng Restaurant Na Nagcharged ng 38K sa Kanila!

Lunes, Disyembre 26, 2022

/ by Lovely


Muling nagbigay ng karagdagang detalye ang aktor na si Dennis Padilla sa nauna niyang inireklamong seaside restaurant na kinainan nila ng kanyang balikbayan friend.

Matatandaang naging mainit na usapin ang ibinahaging pagrereklamo ni Dennis dahil sa malaking bill na binayaran umano ng kanyang kaibigan. Kaya naman, agad umanong tumawag si Ogie Diaz kay Dennis upang maging malinaw pa lalo ang isyu.

"Nagkamali pa nga ako sa 450 na mango shake, ang 450 yung pineapple shake. Ang mango shake, chinarge yung balikbayan friend ko ng 650," pahayag ni Dennis.

"Ako ang nakipagtalo. Ngayon, ganito ang style nila diyan. May haharap sa inyong 3 baklang maharot, itong 3 baklang maharot, nakakatuwa sila kasi nagpe-perform sila parang stand up comedian habang kinukuha yun order mo," pagbabahagi ni Dennis.

"So tatawa ka, matutuwa ka. Nung nagreklamo na ako at bumaba na yung balikbayan friend ko ng mga bago mag-3. Nung nagrereklamo na ako, 'Sobra naman kayo. Hinoldap niyo yung kaibigan ko.' Sabi ko, 'Ito lang kami, 6 na adult at 1 bata.' Ano yan? 5,000 isa pare?"

Sa kanilang pag-uusap ibinunyag pa ni Dennis na nakipag-talo pa siya sa isa sa mga empleyado ng restaurant dahil tumanggi umano itong i-itemize ang mga nakasulat sa resibo.

"Nakipagtalo ako, ayaw i-itemize, inaano lang, sinasabi lang. 'Hindi, ganito po boss. Idol ko pa naman po kayo,'" pahayag pa ni Dennis.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo