Dina Bonnevie Tinarayan at Sinigawan Sa Set Si Alex Gonzaga!

Miyerkules, Disyembre 7, 2022

/ by Lovely


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang isyu sa pagitan ng beteranang aktres na si Dina Bonnevie sa sikat na online personality at aktres-host na si Alex Gonzaga.

Muling napag-usapan ang umano'y pagtataray noon ni Dina Bonnevie sa isang baguhang aktres sa ABS-CBN.

Bagama't hindi naman ipinahayag ni Dina Bonnevie kung sino ang aktres na kanyang tinutukoy agad na nahulaan ng mga netizens na ito ay walang iba kundi si Alex Gonzaga. Lalo pang lumakas ang kutob ng mga netizens matapos inilabas ni Alex ang kanyang panibagong vlog.

Sa nasabing vlog, tila sinagot ni Alex ang mga pahayag ni Dina na tinukoy naman niya bilang isang matandang artista.

Ayon kay Alex, may isang matandang artista na namahiya sa kanya ng husto. Pinagsisigawan umano siya from head to toe. Dahil inakala nitong nagmula siya sa bahay subalit hindi lamang nito alam na mula pa siya sa isa pa niyang trabaho.

Makalipas ang ilang taon tila binabaliktad umano siya ng matandang ito at siya na ngayon ang pinagmukhang masama sa kwento.

Matatandaang nag-viral ang isang panayam noon ni Dina kung saan ipinahayag niya ang galit sa isang baguhang artista dahil matagal itong dumating sa set. 9 A.M umano ang call time nila ngunit 12 noon na itong dumating. Nang dumating pa umano ito ay naka pajama pa.

Dahil sa labis na inis ay tinalakan umano niya ito sa mismong set kung saan mangyayari ang kanilang filming. Hindi umano niya matanggap na silang mga beteranong artista ay pinaghintay nito at hindi lamang isang beses.

Kaya napuno na si Dina at natalakan na niya ang young actress. Nakadagdag pa umano sa inis ni Dina nang sumagot-sagot pa ito at nagbanta pang magsusumbong sa nanay.

Matatandaang bumida sa isang teleserye noong 2011 sina Dina Bonnevie at Alex Gonzaga na pinamagatang P.S I Love You.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo