Doc. Willie Ong, Ipinaliwang Ang Mga Sintomas Ng Brain Aneurysm Na Naging Sanhi Ng Pamamaalam Ni Jovit!

Lunes, Disyembre 12, 2022

/ by Lovely


Ginulantang ng isang nakakalungkot na balita ang publiko matapos lumabas ang balitang pumanaw na si Jovit Baldivino dahil sa brain aneurysm.

Kaya naman tanong ng ilang mga netizens kung ano nga ba ang brain aneurysm, ano ang mga sintomas nito at bakit ito ang naging sanhi ng kamat@yan ni Jovit sa kabila ng murang edad nito. May mga nagtatanong din kung sino ang pinaka-prone na magkaroon ng ganitong sakit.

Sinagot naman ang lahat ng mga katanungan na ito ng dating tumakbo pagka-bise presidente ng bansa na si Doc. Willie Ong.

Sa isang Facebook live, ipinahayag ng doktor kung sino ang mas prone sa sakit, mga sintomas, at dapat gawin upang maiwasan ito.

Ayon kay Doc. Willie Ong, kadalasan nagkakaroon ng brain aneurysm ang mga may edad na subalit may pagkakataon na mangyayari din ito sa mga bata dahil namamana ang sakit na ito. 

“Paano natin malalaman na headache na aneurysm ito. Kailangan may lahi kayo. highblood na highblood. O feeling n’yo kakaiba yung headache, sobrang sakit.”

Kabilang sa mga sintomas ng sakit ay ang labis na pananakit ng ulo, pagkahilo, neck pain at pagkahimatay. Dapat din umanong alamin kung may history ng brain aneurysm ang pamilya upang agad itong maagapan.

Payo pa ng doktor na umiwas sa stress at pressure, iwasan din umano ang labis na pag-inom at paninigarilyo. Payo din niya na agad magpakunsolta sa Doktor kapag nararamdaman ang mga sintomas na naabanggit.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo