Naitanong ng veteran actor na si Edu Manzano ang mga netizens sa Twitter kung magkano ba ang mga kinakaltas na transaction fee ng kanilang mga bank transaction lalo na sa pamamagitan ng online banking.
“Doesn’t anyone notice how much money the banks charge us when we’re doing a simple transaction. I paid as high as ₱25 for the last one,” tweet ni Edu.
Sinagot naman ng ilang mga netizens si Edu na depende sa kung anong bangko ang ginawan niya ng transaction.
Ipinunto rin ng iba na dapat ay alamin muna kung magkano ang bank transaction fee bago isagawa ang bank transaction at alam na umano ito ng karamihan.
“We understand banks need to make money but charges are also going up. Many times the consumers are left with no choice. Why not one standard fee?” sagot naman ni Edu.
Samantala, may nanawagan namang netizens na dapat na itong bigyang pansin ng mga lawmakers ng bansa.. Aprubado naman kay Edu ang panawagang ito.
We understand banks need to make money but charges are also going up. Many times the consumers are left with no choice. Why not one standard fee? https://t.co/NzUPUV3dXi
— Edu Manzano (@realedumanzano) December 3, 2022
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!