Family Feud Philippines Nagbigay Ng Tribute Para sa Yuma0ng si Jovit Baldivino!

Biyernes, Disyembre 9, 2022

/ by Lovely


 Nagulat ang lahat, matapos pumutok ang balitang pumanaw na ang PGT season 1 grand winner na si Jovit Baldivino dahil sa aneurysm.

Noong November 28, ay napanood pa si Jovit sa sikat na gameshow ng bansa na Family Feud, hosted by Dingdong Dantes. Nakasama ni Jovit ang iba pang OPM singers habang nasa kabilang panig naman ang mga voice actors ng bansa.

Ang Family Feud Philippines ang huling game show na binisita ni Jovit Baldivino bago ang biglaan niyang pagpanaw. Kaya naman agad na naglabas ng tribute ang Family Feud kung saan makikitang highlights ang pagsali ni Jovit sa naturang show.

Ang video ay magsisilbi ding tribute para sa mga naging ambag ni Jovit Baldivino sa mundo ng music industry ng bansa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo