Bago pa man sumapit ang Gabi ng Parangal para sa MMFF 2022, naglabas na ng kani-kanilang prediction ang mga netizens kung sino ang hahakot ng mga parangal bilang Best actor, Best Picture, Best Director, Best Screenplay, Best Actress, Best Supporting Actress at iba pang minor awards.
Subalit, napansin ng ilang mga netizens na tila hindi naman nag-matters sa mga jurors ang pelikula nina Liza Lorena at Noel Trinidad na Family Matters.
Hindi man lang umano na pasali sa mga nominasyon para sa mga major awards ang Family Matters. Maging ang Gatpuno Antonio Villegas award sa “Family Matters” ay para sa ibang pelikula sana mapupunta mabuti na lamang ay may umangal na isang juror kung hindi ay walang maiuuwing award ang Family Matter.
Kaya naman, tinatanong ngayon ng mga netizens kung ano ang mga pinagbabasehang category ng mga jurors sa pagbibigay ng parangal.
Subalit, bigo man sa pagsungkit ng mga major awards ang Family Matters, kabilang naman ito sa mga nangungunang pelikulang pinipilahan ngayon sa mga sinehan. Sa katunayan ang Family Matters ang pumapangatlo sa ranking ng walong pelikulang entry sa Metro Manila Film Festival 2022.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!