Float ng ‘Mamasapano: Now it Can Be Told’ sa MMFF parade walang artista, Ka Look-a-Like ni Datig PNoy Ang Sakay!

Huwebes, Disyembre 22, 2022

/ by Lovely


Sa naganap na Parade of the Stars ng 2022 Metro Manila Film Festival kahapon na nagsimula sa Welcome Rotonda Quezon City at nagtapos sa Quezon Memorial Circle nitong Miyerkoles ng gabi, nagtataka ang mga taong nanood ng parade kung bakit walang artistang nakasakay sa float ng “Mamasapano: Now it Can Be Told” na produced ng Borracho Film Productions, Inc.

Gayung tinawag na Parade of the Stars ay para present ang mga artistang kasama sa pelikula. Hinahanap ng mga tao sina Paolo Gumabao, Aljur Abrenica at iba pang kasama sa cast ng nasabing pelikula.

Ang tanging nakasakay lamang sa Float ng Mamasapano ay ang tila ka look-a-like ng dating Pangulo Noynoy Aquino. Nagtaka tuloy ang marami kung bakit ginamit si PNoy bilang pagpopromote sa pelikula.

Samantala sa Facebook account ng Film writer na si Jerry Gracio ibinahagi niya ang kuhang video mula sa nasabing parade.

“Yung mga kaibigan kong sundalo, ayaw nang pag-usapan ito. Pero pilit na binubuhay ng mga di nakakaalam ng dynamics sa loob ng AFP ang isyu, ginagamit sa pelikula. Ginamit nila ‘yung patay sa parada. Dahil ba wala silang maiparadang artista?” caption nito sa kanyang video.

Samantala, umaani naman ito ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo