Food Pill ng Mga Astronaut sa Space Balak Ipamahagi ni Rep. Marcoleta Sa Mga Mahihirap!

Huwebes, Disyembre 8, 2022

/ by Lovely


Sa paglaganap ng kahirapan sa buong bansa, may naisip na solusyon si Rep. Rodante Marcoleta kung paano matutugunan ng mga mahihirap ang gutom.

Sa isang pagtitipon ng Department of Science and Technology (DOST), bigla na lamang tinanong ni Rep. Marcoleta kung ano ang pildoras o food pills na ginagamit ng mga astronauts sa space. Sinagot naman ito ni Renato Solidum Jr. na ang food pills ay gawa mula sa compact foods at vitamins.

Dito na ipinaliwanag ni Rep. Marcoleta na naiisip niyang gamitin ng mga mahihirap ang food pills upang hindi kaagad gutumin, sapagkat ginagamit ang food pills ng mga astronaut sa space upang makasurvive sa gutom doon.

“I am thinking aloud na, kung sakaling makaimbento tayo nung kinakain nila, ibibigay ko po sa mga mahihirap na kababayan natin even for months hindi sila kakain di sila mamamatay eh. Meron po ba tayong ganun? Makakagawa po ba tayo ng ganun?” pahayag ni Marcoleta.

Subalit, ipinaliwanag ni Solidum na walang ganoong food pills ang Pilipinas. Ang available lamang ay mga food packs na ipinamamahagi sa tuwing may kalamidad. Ang mga ready-to-eat meals na ito at tatagal hanggang six months.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo