Heart Evangelista Ginagaya si Bea Alonzo?

Martes, Disyembre 13, 2022

/ by Lovely


Pinabubulaanan ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin ang isyu na ginagaya umano ni Heart Evangelista si Bea Alonzo sa pagbili ng property sa ibang bansa.

May naririnig kasi umanong bulong-bulungan si Manay Cristy na may netizens na nagsasabing walang originality si Heart Evangelista sa pagbili ng apartment sa ibang bansa dagil ginagaya lamang nito si Bea Alonzo.

Ayon kay Cristy Fermin, hindi matatawag na panggagaya iyon dahil sa magkaibang lugar naman sila bumili. Si Bea sa  Spain bumili habang si Heart ay sa Paris naman. Isa pa wala naman umanong masama dahil pareho naman silang mag kakayahan sa pagbili.

“Magkaibang lugar naman ito pareho naman silang merong pambili. Sa Spain naman si Bea, sa Paris naman itong si Heart. Ano namang masama doon eh meron naman silang kakayahan? May kapasidad sila na bumili ng property sa ibang bansa.”

Ipinahayag din ni Manay na ang kalamangan lamang ni Bea ay residente na talaga siya sa Spain habang si Heart ay hindi pa naman.

“'Wag naman po, 'wag naman nating pagkumparahin at lalong 'wag nating sabihin na walang originality si Heart Evangelista. Maaaring nauna lang si Bea, nahuli lang siya ng plano.” dagdag pa ni Manay Cristy Fermin.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo