Herlene Budol at Wilbert Tolentino Muling Bumalik Sa Uganda!

Lunes, Disyembre 5, 2022

/ by Lovely


Bagama't may mga hindi kanais-nais na karanasan sina Wilbert Tolentino at Bb. Pilipinas First Runner up Herlene Nicole Budol sa nauna nilang pagpunta sa Uganda dala ng aberya sa Miss Planet International. Muling lumipad pa-Uganda sina Herlene upang mamigay ng maagang pamasko para sa mga bata roon.

Tila kinalimutan nina Herlene ang mga masamang karanasan at iniisip na lamang ang magagandang nangyari doon, ang pagkakalapit ni Herlene sa mga batang naroon.

Sa pagkakataong ito, kasama na nina Herlene at Wilbert Tolentino sina Madam Inutz at Princess Jane Yiga sa kanilang isasagawang out-reach program.

Mapapanood sa kanilang ibinahaging vlog ang pamimigay nina Herlene ng maagang pamasko na mga pagkaing pinoy at school supplies para sa mga bata.

Labis naman natutuwa ang buong grupo sa kanilang naging karanasan doon.

Ayon pa kay Herlene, bagama't naloko sila sa una nilang pagpunta roon ay na serve pa rin niya ang kanyang purpose.

“Everything happens for a reason, ito ‘yung purpose kung bakit tayo pumunta dito. Naloko man tayo pero ito ‘yung purpose natin na makatulong sa ibang bansa.”

Nilinaw naman nila na hindi pagmamayabang ang purpose kung bakit sila nagvlog at kinunan ng video ang pagtulong. Nais lamang umano nilang magbigay ng inspirasyon para sa lahat.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo