Tila nasa alapaap pa rin ang aktor na si Ian Veneracion matapos mapangaralang Best Actor sa naganap na Gabi ng Parangal para sa Metro Manila Film Festival na naganap noong December 27, 2022.
Ito ang kauna-unahang best actor award na natanggap ni Ian kaya naman labis siyang natutuwa.
Sa latest episode ng Cristy Ferminute agad na kinapanayam ni Cristy Fermin si Ian bilang pagbati sa nakuha nitong award.
Dito hayagang, itinanong ni Manay Cristy Fermin kung ano ang naramdaman ni Ian na sa unang pagkakataon nabigyan ng Best Actor award.
“Siyempre nakakatuwa po. Nakakatuwa naman po dahil nga alam niyo naman po maaga ako nag-start sa showbiz and first time ko po manalo dito sa atin ng Best Actor award after 40 years of being in the business. So nakakatuwa naman po," sagot ni Ian.
Pinuri din ni Ian ang kanyang mga kasamahan, ang magandang script at ang direktor ng pelikula na si Shugo Praico.
“Saka alam ko dahil 'yun sa ang ganda script kasi. Saka ang galing direktor namin at ang galing ng eksena po kaya naging madali po 'yon para sa amin as actors kasi naka-immerse talaga kami. Nasa bubble po kami nung time na 'yon.”
Tinanong din ni Cristy Fermin kung nag-sink in na ba sa aktor na ang natanggap na award. Dahil tila nasa alapaap pa umano ang aktor base sa kanyang obserbasyon.
“Pag ginagawa natin 'yung trabaho wala naman 'yun sa isip natin at hindi naman 'yon ang dahilan kung bakit natin pinagbubuti ang trabaho natin. Pero magandang pakiramdam lang na na-appreciate pala ng iba, ng nakakapanood.” pahayag ni Ian.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!