Isang MMFF Entry, Libre Ang Tickets Sa Isang Mall?

Miyerkules, Disyembre 28, 2022

/ by Lovely


Mainit na pinag-uusapan ngayon ang isang blind item kung saan sinasabing may isang MMFF entry na namigay na lamang ng libreng tickets na may kasama pang free popcorn at softdrinks para lamang panoorin ang kanilang pelikula.

"How true na isang pelikulang kalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival ang namahagi na lamang daw ng libreng tickets sa moviegoers, sa isang sinehan sa loob ng mall sa Quezon City para panoorin lamang ito?" pahayag ni Ogie Diaz sa nitong December 27 episode ng kanyang Showbiz update.

Ayon pa kay Ogie Diaz, nag-ugat ang isyung ito sa isang kumakalat na screenshot mula sa isang groupchat. Bukod sa libreng ticket may kasama pang libreng snacks sa panonood. Subalit kailangang maghintay ng hanggang 9 p.m dahil ito ang oras ng screening ng pelikula.

Nagbigay din ng clue si Ogie Diaz na ang pamagat ng nasabing pelikula ay nagsisimula sa letter 'M'.

Subalit, ipinahayag naman ni Ogie na baka ay ang producer mismo ang nagpa block-screening upang makahabol sa top 4 ang pelikula.

Agad namang nagkanya-kanya ng hula ang ilang mga netizens kung anong pelikula ang tinutukoy ni Ogie. May humulang isa sa Mamasapano at My Teacher ang pelikulang sinasabi ni Ogie Diaz.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo