Jema Galanza Ipinagtanggol si Deanna Wong sa mga Bashers!

Linggo, Disyembre 11, 2022

/ by Lovely


Ipinagtanggol ng Creamline Cool Smashers Volleyball player na si Jema Galanza ang kapwa Volleyball player na si Deanna Wong sa gitna ng isyung pang-iisnab na kinakaharap nito ngayon.

Sa Kumu live ni Jema, ipinahayag niya na sana ay hindi ma-mis-interpret ng mga fans ang kagustuhan nilang magpahinga at magkaroon ng privacy.

“May times talaga na parang gusto mo lang na… gusto mo lang na lumayo kung baga parang gusto mo lang minsan ‘yung parang mundo mo lang. So, parang feeling n’yo minsan, hindi lang ako, siguro ‘yung iba din, parang gusto lang ng time para sa sarili nila. So, parang feeling n’yo iniisnab kayo ganyan,” pahayag ni Jema.

Sinabi din niya na minsan  maging siya ay nais din magkaroon ng oras para sa kanyang sarili. Ipinahayag din niya na minsan ay na-iinvade na rin ng mga fans ang kanilang personal space.

“So parang minsan kung kunyari nasungitan or hindi lang okay, ‘yung reaksiyon namin, parang hindi naman sa naiinis kami or ayaw namin sa inyo ganyan… or ayaw namin mamansin. Nagugulat lang din kami, kasi nga may sarili rin kaming life. Parang minsan timplahin n’yo rin kumbaga… dahan-dahan kasi minsan may mga tao rin talagang hindi maayos ‘yung way nila para i-ano, i-approach ‘yung idol nila,” dagdag niya pa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo