Jeric Raval Napagtanto na Masamang Mambabae Sa Gitna Ng Kinakaharap na Isyu ni AJ Raval!

Linggo, Disyembre 11, 2022

/ by Lovely


 Tila natauhan na ang dating action star na si Jeric Raval at napagtanto na umano niyang masama ang mambabae. Ayon kay Jeric, itinigil na niya ang ganoong gawain at patingin-tingin na lamang siya ngayon.

“Kasalanan ang mambabae. Na-realize ko na hindi pala tama ang mambabae. Nauubos lang kasi yung panahon na dapat sana ay sa family at anak mo. Narealize ko yan mga year 2004,” ani Jeric Raval.

Sinabi naman ni Jeric na maayos naman ang relasyon niya sa kanyang mga ex. Inamin din ni Jeric na may 18 siyang anak sa iba't-ibang babae na kanyang nakarelasyon. Ibinahagi pa niyang may mga babae siya noon na halos magkasabay na nanganak kaya may lima siyang anak na nasa 22 years old ngayon.

“Yung huli magkaka-edad. Sabay-sabay kasi nanganak eh. Alam naman ng lahat yun eh. Dati tinatago ko yun eh dahil nahihiya ako noong araw,” pag-amin ni Jeric.

Gayunpaman, sinabi naman ni Jeric na sa kabila ng dami ng kanyang mga anak ay good provider naman siya sa mga ito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo