Jessie Salvador Hiyang-hiya Sa Tuwing Ipinapakilala Bilang Kapatid Ni Maja Salvador!

Martes, Disyembre 6, 2022

/ by Lovely


 Inamin ng baguhang aktresna si Jessie Salvador na nahihiya at naiilang pa rin siya sa tuwing  ipinakikilala siyang kapatid ni Maja Salvador.

Si Jessie ay kapatid ni Maja sa ama at isa rin siya sa mga bagong talent ng Crown Artist Management na pag-aari ni Maja.

Inamin din ng baguhang aktres na sinubukan na niya noon na pumasok sa showbiz subalit hindi siya nagwork-out. Naging extra din umano siya sa ilang episode ng MMK.

“Dati pa po ako sumusubok mag-showbiz hindi lang po talaga nagwo-work. Baka hindi talaga siya para sa akin, ganun po yung pumapasok sa isip ko. Nag-i-extra pa nga po ako dati sa MMK (Maalaala Mo Kaya). And then naisip ko na lang na mag-aral na lang ako. Pagka-graduate ko po ito na po, may Crown Artist Management na,” ang pahayag ni Jessie.

Nilinaw din ni Jessie na kailanman ay hindi niya ginamit ang pangalan ng kanyang ate Maja para makapasok sa showbiz.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo