Jho Rovero Ihahatid sa Kanyang Huling Hantungan sa December 30!

Lunes, Disyembre 26, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi na ng ina ng namayapang asawa ni Andrew Schimmer na si Jho Rovero kung kailan ito ihahatid sa kanyang huling hantungan. 

Sa ibinahaging Facebook post ng ina ni Jho Rovero nabanggit niya na magkakaroon muna ng memorial service bago ihahatid si Jho sa kanyang huling hantungan sa darating na December 30, 2022 alas 2 ng hapon.

"Death leaves a heartache no one can heal, Love leaves a memory no one can steal," ang bahagi ng post ni Josephine sa kanyang social media account.

Aminado din si Josephine na naging emosyunal siya sa ibinahaging mensahe ng kanyang apo para sa yumaong ina.

"Hindi ko kinaya wish ng apo ko, naiyak ako," pahayag ni Josephine sa kanyang post gayung halos paulit-ulit na sinasabi ng apo sa kanyang wish na nais pa rin niyang makasama ang ina at kung gaano niya ito kamahal.

Matatandaang, inalay pa ni Andrew Schimmer sa kanyang asawang si Jho ang kanyang natanggap na parangal bilang Most Inspiring Actor.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo