Joey De Leon Aminadong Nadismaya sa Pag-iiwan ni Toni Gonzaga sa Eat Bulaga!

Martes, Disyembre 13, 2022

/ by Lovely


Aminado ang veteran co-host ng noontime show na si Joey De Leon na nakaramdam siya ng pagtatampo kay Toni Gonzaga matapos nitong iwan ang Eat Bulaga at lumipat sa kabilang network.

Unang naging Kapuso si Toni Gonzaga at naging co-host ng Eat Bulaga noon bago ito makapag desisyon na sa lumipat sa ABS-CBN.

Subalit, naging masaya na lamang umano siya para rito ng makita ang pagsikat nito at ang pagganda ng kanyang showbiz career matapos ang paglipat ng network.

Inamin itong lahat ni Joey sa presscon ng kanilang MMFF 2022 entry na My Teacher sa direksyon ng asawa mismo ni Toni Gonzaga na si Direk Paul Soriano.

Samantala, hindi naman umano lingid sa kaalaman ni Toni na nakaramdam ng tampo ang dating co-host sa Eat Bulaga na si Joey. Subalit, masaya pa rin siya at nagpapasalamat dahil patuloy parin ang kanilang communication at ang kanilang pagkakaibigan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo