Usap-usapan ngayon sa social media ang Kapamilya actress na si Ivanna Alawi dahil tila nananahimik umano ito sa social media.
Napansin ng ilang mga netizen na inactive o tila ba ay nananahimik si Ivanna Alawi ngayon sa kanyang social media accounts. Ni hindi nga umano nito pinopromote sa sariling social media accounts ang pelikulang pinagtatambalan nila ni Vice Ganda na Partners in Crime.
Kaya naman tinatanong ngayon ng ilang mga netizens kung ano ang dahilan ni Ivanna sa kanyang pananahimik. May napansin din ang ilan na dalawang beses lamang umanong nagpromote si Ivanna sa pelikula nila ni Meme Vice.
"Active ba si Ivanna sa social media sa pagpromote ng Partners in Crime? Ask ko lang kasi sobrang kayod si Meme," tanong ng isang netizens.
"She only did two posts, if I'm not mistaken. When it comes to promoting, doon siya mahina. She's not good into it, doon ako nakukulangan," dagdag naman ng isa pa.
Pinayuhan pa ang aktres ng ilang mga netizen na tumulong din sa pagpopromote at huwag hayaang si Vice Ganda ang gumawa ng lahat-lahat.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!