Nitong mga nagdaang araw ay sunod-sunod na ibinahagi ng real life celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim ang kanilang pamamasyal sa iba't-ibang bansa.
Nitong nakaraang araw ay ibinahagi ng dalawa sa kanilang mga tagahanga ang kanilang pamamasyal sa Disneyland sa Paris.
Makikita sa kanilang ibinahaging videos ang pictures ang saya sa kanilang pagtravel at pagbabakasyon na magkasama. Kitang-kita din sa mga larawan nila ang sweetness at pagmamahal sa isa't-isa.
Sunod naman nilang pinuntahan ay ang bansang Switzerland na kilala na may magagandang Alpine scenery at magagandang ski resorts.
Habang nag-ski ang magjowa, hindi naiwasang magkaroon ng minor injury si Kim. Ibinahagi at ipinakita pa ni Kim sa kanyang mga followers ang natamong galos.
Tila hindi naman naging malala ang tinamo nitong pinsala dahil tinawanan lamang niya ito at tuloy pa rin sa pag-ski.
Subalit ayon sa caption ng kanyang IG stories kung saan ipinakita niya ang kanyang galos sa baba ipinahayag niya sa bisaya na mahapdi din ang kanyang galos.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!