Lambingan nina Skusta Clee at Ava Mendez naka-Flex sa kanilang Social Media Accounts!

Lunes, Disyembre 19, 2022

/ by Lovely


Muling naging usap-usapan sa social media platforms ang muling pag-flex ng rumored couple na sina Skusta Clee at baguhang sexy star na si Ava Mendez.

Ibinida ng dalawa ang kanilang paglalambingan sa kani-kanilang Instagram accounts. Dahil dito usap-usapan ngayon sa social media ang pagkakaroon na nila ng relasyon.

Nauna na ritong ibinhagi ni Ava sa kanyang Instagram stories ang larawan nila ni Skusta Clee na tila magkayakap sa kama.

Matatandaang, nagmula sa isang kontrobersyal na hiwalayan si Skusta Clee sa vlogger na si Zeinab Harake dahil sa pag-che-cheat umano nito. Bago paman kay Ava nalink din si Skusta Clee sa Tiktoker na si Aira Mae Lipata na siyang itinuturong third party sa hiwalayang Skusta Clee at Zeinab Harake,

Ilang linggo matapos ang usaping ito naglabas ng isang video clip si Skusta Clee kung saan tila pinagsisigawan niyang masarap maging single, na pinagmulan naman ng usaping naghiwalay kaagad ito at si Aira Mae.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo