Last Performance ni Jovit Baldivino Bago Isugod sa Hospital!

Biyernes, Disyembre 9, 2022

/ by Lovely


Nakunan pa sa isang video ang huling performance ng singer na si Jovit Baldivino bago isugod sa hospital noong December 3, 2022.

Ayon sa official statement mula sa pamilya ni Jovit, naimbitahan sa event sa Batangas ang singer. Kasalukuyang itong nagpapagaling mula sa hyperytension at under medication pa. Pinayuhan din ito ng doktor na huwag munang umawit.

Subalit upang mapasaya ang lahat sa pinuntahang event, kumanta si Jovit ng tatlong signature songs niya. Kitang-kita rin sa video ang abot-abot na hininga ni Jovit sa pag-awit ng pangatlong kanta.

Agad na isinugod sa hospital si Jovit, matapos mapansin na tila may dinaramdam na ito. Ilang araw din itong namalagi sa ICU bago tuluyang pumanaw.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo