Spotted ng mga referee, judges, at maging camera ng GMA Sports ang ginawang paghimas at pagpisil-pisil ng isang basketball player mula sa Colegio de San Juan de Letran sa kalabang basketball player mula sa College of Saint Benilde, sa Game 1 ng NCAA Season 98 men’s basketball finals.
Agad namang binigyan ng warning ng referee ang Letran player na si Pao Javillonar matapos makitang hinihimas ang behind ni Will Gozum ng College of Saint Benilde, nang sila ay nasa 4:57 mark ng 3rd quarter.
Samantala sa isang panayam kay Gozum noong December 4 sinabi niyang hindi dapat tinotolerate ang ganoong player.
“Ganoon ‘yung ugali niya siguro. We don’t tolerate that kind of player… Siguro physicality matatanggap ko pero ‘yung ganoon?”
Agad namang umani ng sam'ut saring komento mula sa mga netizen ang ginawang ito ni Javillonar. Ayon sa iba na tila ibang bola ang nais nitong laruin.
Dagdag pa ng isang netizen, “Should not be tolerated. I don’t think Colegio de San Juan de Letran will be proud of such action.”
Sa kabilang banda, hindi pa rin naglalabas ng pahayag ang pamunuan ng Colegio de San Juan de Letran hinggil sa ginawanag ito ni Javillonar.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!