Lian Paz, Binalikan ang mga Panahon na Mag-isa niyang Tinaguyod ang Mga Anak nila ni Paolo Contis!

Huwebes, Disyembre 22, 2022

/ by Lovely


 Muling binalikan ng dating Eat Bulaga dancer na si Lian Paz ang panahong mag-isa lamang siya sa pagtataguyod at pagbibigayng mga pangangailangan ng kanilang anak ni Paolo Contis na sina  Xonia at Xaline.

Nagbago na lamang umano ang lahat ng makilala niya ang kanyang kasalukuyang fiancee na si John Cabahug.

Sa kanyang Instagram post muling ibinahagi ni Lian ang kanyang wishlist sampung taon na ang nakakalipas noong mag-isa pa lamang siyang nagtataguyod sa mga anak nila ni Paolo Contis.

Makikita sa screenshot na ibinahagi ni Lian ang kanyang wishlist para sa mga ninong at ninang ng kanyang mga anak, gatas at diaper ng mga anak.

"10 years ago… yung panahon na ako lang mag isa sa lahat kaya ito ang mga wishlist ko … noon ang daming worries, I was angry at God kaya hindi ako nagtiwala sa kanya. I did things my way and it led me to things I regret looking back, But just 1 day, I decided to call on him for help… and he changed my life!" caption ni Lian.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo