Lolit Solis Ipinahayag Ang Kanyang Papuri Para Kay Jane De Leon!

Huwebes, Disyembre 15, 2022

/ by Lovely


Sa isang mahabang Instagram post ipinahayag ng veteran showbiz columnist na si Lolit Solis ang kanyang paghanga sa gumanap bilang bagong Darna ngayon ng ABS-CBN na si Jane De Leon.

“Alam mo Salve gandang ganda ako kay Jane de Leon. Iyon bang parang very fresh ang mukha niya, at parang iyon sweetness niya natural at hindi put on. Sincere ang dating ng mga mata niya, walang ka plastikan kang madarama. Ganuon ang dating ng personalidad niya.”

Sayang din daw at ngayon pa pumasok si Jane De Leon kung saan matamlay ang industriya dahil kung noon pa umano ay naging superstar na sana ito ngayon.

“Sayang nga at iyon pasok niya sa showbiz ay ng medyo matamlay na ang industriya , kundi by now palagay ko superstar na si Jane de Leon sa dami ng assignment at ginagawa.”

Sa huli hiling ni Manay Lolit Solis ang lahat ng makakabuti para kay Jane De Leon at sa lahat ng bumubuo sa Darna TV series.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo