Lolit Solis May Reaction sa Pagbabalik Kapuso ni Boy Abunda!

Biyernes, Disyembre 16, 2022

/ by Lovely


Agad na nagbigay ng kanyang reaction si Manay Lolit Solis sa pagpirma ni Boy Abunda ng kontrata sa GMA7 nitong December 15, 2022.

Sa kanyang mahabang Instagram post, ipinahayag niya ang kanyang mensahe para sa nagbabalik Kapuso ng King of Talks na si Boy Abunda.

Ayon kay Manay Lolit Solis, feel na feel umano na parang masaya ang lahat sa muling pagbabalik ni Boy Abunda sa GMA7. Mararamdaman din umano na malaki ang pagtitiwala ni Boy Abunda para sa station na mula noon ay parang tahanan na niya.

“Bongga si Boy Abunda, Salve. Kapuso na siya uli, at type ko ang binigay na welcome sa kanya sa contract signing sa GMA7. Feel mo na happy ang lahat sa pagiging Kapuso ni Boy Abunda, at feel mo rin ang trust niya sa station. Parang eversince naman mula ng pumasok sa hosting si Boy Abunda ang GMA7 na ang bahay niya.”

Ipinahayag din ni Lolit Solis ang kanyang excitements sa mga proyekto na gagawin nito sa network. Maging ang wardrobe na susuotin ni Boy Abunda ay tiyak umanong pang-fashion show ayon kay Manat Lolit Solis.

“Naku wait natin mga wardrobe na isusuot ni Boy Abunda, tiyak na isang fashion show ito at hindi kaya talbugan ng iba. Congrats kuya Boy, the long wait is over sa paghihintay na mapanuod ka uli sa TV. Abangan ko mga shirts mo, harbatin ko talaga, hah hah, ang mga signature outfit na hindi kaya talbugan ng kahit sino pa, bongga”


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo