Lyca Gairanod Muling Nagbahagi ng Sweet Moments Nila ng Kantang Jowa!

Martes, Disyembre 13, 2022

/ by Lovely


Mula nang i-reveal ng singer na si Lyca Gairanod sa kanyang debut party ang kanyang jowa ay naging sunod-sunod na ang pagbabahagi niya ng mga sweet moments nila together sa kanyang social media accounts.

Muling ipinakita ni Lyca sa kanyang mga fans at followers ang video nila ng jowa na naghahabulan sakay ang golf cab. Makikita naman kay Lyca na talagang masaya siya sa mga moments nila ng jowa.

Agad naman nagpahayag ng kasiyahan para sa young singer ang kanyang mga tagahanga at tagasuporta. Subalit man ilan naman ang tila hindi nagugustuhan ang pagpasok ni Lyca sa isang seryosong relasyon.

Matatandaan na may ilan pang mga netizens ang nagbigay ng payo kay Lyca hinggil sa pagkakaroon ng boyfriend. Dapat umanong mas pagtuunan ng pansin ni Lyca ang kanyang career at huwag munang magpadalos-dalos sa isang relasyon.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo