Maharlika Fund, Makakatulong sa Paglago ng Ekonomiya ng Bansa, Ayon kay PBBM!

Lunes, Disyembre 12, 2022

/ by Lovely


Naniniwala ang Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na mapakikinabangan at makakatulong sa bansa ang isinusulong na Maharlika Wealth fund (MWF).

Ipinaliwanag din ni Pangulong Marcos Jr., kung paano makatutulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa ang MWF kaya niya ito ipinanukala.

Malinaw na makikinabang umano ang bansa ng dagdag na investments at isa na ito sa mga paraan.

Samantala ayon pa rin kay Pangulong Marcos, ginagawa na ng mga mambabatas ang regular na mga proseso sa panukala kasama na ang mga pag-aaral rito. Mas mabuti rin aniya na ginagawa na ng mga mambabatas ang kanilang trabaho upang maganda ang kalalabasan ng panukala.

Nanawagan din sa publiko ang Pangulo na itigil na ang mga debate hangga’t hindi naisasapinal ng Kongreso ang MWF.

Matatandaan na maraming mga influencers ang nagbigay ng kani-kanilang opinyon at komento hinggil sa panukala tungkol sa Maharlika Fund na maari umanong kurakutin lamang ng mga nasa pwesto.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo