Naging mainit na usapin sa social media ang isiniwalat na rebelasyon ng dating boxing referee na si Carlos Padilla ukol sa pandadaraya niya sa isang laban noon ni Manny Pacquaio at Nedal Hussein noong 2000.
Kung saan ang mananalo ay lalaban para sa World Championship.
Matatandaang nanalo si Manny Pacquiao sa labang ito nila ni Hussein sa pamamagitan ng TKO.
Samantala, sa isang inilabas na ulat mula sa isang trusted news outlet, sinabi ni Hussein na wala siyang sama ng loob para kay Manny Pacquiao, subalit galit siya sa ginawang pandadaraya ni Carlos.
Siya sana umano ang nanalo kung hindi sinadya ni Carlos na pahabain ang laban dahil knockout na noon si Manny. Dapat din umanong managot ni Carlos dahil sa ginawang pandadaya.
Maging si Manny Pacquiao ay nagbigay na rin ng reaction hinggil sa binitawang rebelasyon ni Carlos. Ayon kay Manny Pacquiao, hindi siya nandaya sa laban nila ni Hussein noong 2000, pinaboran lamang umano siya ni Carlos.
"Hindi naman daya. Pinaboran lang tayo, pabor lang siguro siyempre home court. As a boxer, ginawa ko lang naman yung tama."
Dagdag pa ni Manny, "Ako naman, boxer lang ako. Ginawa ko lang yung trabaho ko sa taas ng ring. That's his problem not mine."
Sa panahong iyon ay paangat pa lamang ang karera ni Manny Pacquiao sa pagboboksing.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!